First day at Work (Expectations)

              Ika-2 ng Abril taong kasalukuyan ang unang araw ng aking pagtatrabaho sa City Veterinary Office ay naging maaliwalas ang panahon. Umaga pa lamang ay naghanda na ang aking sarili sa  panibago kong makakasalimuha sa pagtatrabaho. May kaunti man na kaba sa aking isipan hindi ako nagpadaig bagkus  tinahak ko ang inaatas sa aking gawain.
 
            Umaga pa lamang ay nagintayan na kami ng aking mga kagrupo sa pagtatrabaho, ayon kay Henry Ford, “na ang pagsasama-sama ay isang simula na kung saan kapag pinagsasama ay isang pagunlad upang maasam ang tagumpay”, kayat sama-sama naming tinahak ang unang araw ng pagtatarabaho.
   
             Ang inaasahan kong makita sa unang araw ng pagtatarabaho ko sa City Veterinary ay mga iba’t ibang uri ng hayop dahil sa pagkakaalam ko ay kapag sinabing Veterinary may mga hayop na inaalagaan at pinagseserbisyuhan. Ngunit ang bumungad sa amin ay mga nagtataasang puno, walang tao at kakapanindig balahibo, na kung saan hindi pwedeng umatras.

              Ang inaasahan ko namang mga gawain sa City Veterinary ay mahirap dahil iba’t-ibang uri ng hayop ang inaalagaan at iba’t-ibang proseso ang mga ginagawa sa larangan ng beterinaryo.

Comments

Popular posts from this blog